^

Metro

Trader inutas sa QC

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang negos­yante matapos na saksakin ng hindi nakikilalang salarin habang sila ay nag-uusap ng kanyang asawa sa isang kainan sa Commonwealth Avenue sa  lungsod Quezon,  kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ni PO2 George Caculba, nakilala ang nasawi na si Acmad Labe, 45, ng Samat Road, Garcia Heights, Brgy. Holy Spirit sa lungsod.

Ayon kay Caculba,  nangyari ang insidente sa may isang kainan na matatagpuan sa Luzon Avenue under­pass sa kanto ng Commonwealth Avenue, Brgy. Culiat, ganap na alas-12:30 ng hatinggabi.

Sabi ng isang tes­tigo,  kuma­kain anya siya sa nasabing kainan nang makita niyang dumating ang biktima at nakipag-usap sa asawa nitong si Rahima Bokang Lala.

Ilang sandali pa bigla na lamang umanong bumulagta ang biktima sa semento, hanggang sa itakbo ito ng kanyang mga kaanak sa General Malvar Hospital, subalit idineklara ring dead- on-arrival, ganap na ala -1:45 ng madaling-araw.

Sa pagsisiyasat, lumilitaw sa cursory examination na ang biktima ay nagtamo ng isang saksak sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib.

Sabi pa ni Caculba, wala na rin anya sa lugar ang asawa ng biktima nang magsagawa sila ng occular investigation sa lugar.

Gayunman, patuloy ang pagsisiyasat na kanilang ginagawa ukol dito.

vuukle comment

ACMAD LABE

BRGY

CACULBA

COMMONWEALTH AVENUE

GARCIA HEIGHTS

GENERAL MALVAR HOSPITAL

GEORGE CACULBA

HOLY SPIRIT

LUZON AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with