^

Metro

2 nagbigti sa Valenzuela at Maynila

Lordeth Bonilla at Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbibigti ang isang 36-anyos na ginang matapos maka-argumento nito ang kanyang live-in partner dahil sa hindi nabayarang utang sa tindahan sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Patay na nang  matagpuan ang biktimang si Grace Ontolan, 36,  ng A. Fernando St.,  Brgy. Marulas ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat ng Valenzuela City Police, alas-8:00 ng gabi nang makitang nakabigti ng nylon cord ang biktima sa loob ng kanilang kuwarto sa nasabing lugar.

Nabatid na bago ang pagpapakamatay ay narinig, na nagtalo ang biktima at ang ka-live-in nitong si Robert Habolin hinggil sa hindi nababayarang utang nila sa tindahan.

Umalis si Habolin at pagbalik ay nakita ang kanilang anak na tinatawag ang ina sa tapat ng nakakandadong kuwarto nila.

Nang hindi tumutugon ang ginang ay sinilip ito ni Habolin at laking gulat nang makitang nakabitin sa loob ng kanilang kuwarto ang kinakasama. Sapilitan binuksan ang pinto ng kuwarto at kinalag sa pagkakabigti ang biktima, subalit wala na itong buhay.

Samantala sa Maynila, isang 76-anyos na lolo rin ang iniulat na nagbigti. Sa ulat ni SPO2  Mario Asilo, nadiskubreng nagbigti ang biktimang si Antonio Limsiengco, biyudo, ng Sta. Cruz, Maynila ng kanyang kasambahay na si Emma Tarroza, dakong alas-2:30 ng hapon. Sinabi ni Tarroza na umalis siya ng bahay at naiwang mag-isa ang matanda. Sa pag-uwi niya  ay hindi umano siya makapasok ng bahay. Ilang ulit siyang kumatok habang tinatawag ang nasawi subalit walang sumasagot.

Humingi siya ng saklolo sa mga kapitbahay kaya napasok ang silid  nito kung saan nakita itong nakabigti. Maysakit sa puso umano ang biktima at matindi rin ang depresyong nararanasan.

vuukle comment

ANTONIO LIMSIENGCO

EMMA TARROZA

FERNANDO ST.

GRACE ONTOLAN

HABOLIN

MARIO ASILO

MAYNILA

ROBERT HABOLIN

VALENZUELA CITY

VALENZUELA CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with