^

Metro

2 vintage bomb nahukay

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi inaasahang mahukay ng backhoe ang da­lawang vintage bomb sa isang  drainage  na kanilang nililinis, kahapon ng ma­daling-araw sa panulukan ng San Andres St. at Roxas Boulevard, Maynila.

Sa report ng Manila Police-District-Police Station 9, sinabi ni Chief Insp. Romeo Salvador, deputy commander na dakong alas-3:30 ng madaling  araw ng aksidenteng matamaan ng backhoe ope­rator na si  Kim Calderon, ng AKA Construction Company ang  dalawang vintage bomb.

Umaabot na sa dalawang metro ang lalim ng  umano’y  nahuhukay ni Calderon nang mapansin ang matigas na bagay sa hinuhukay na lupa.

Tinignan niya ito at nagulat  ang makitang dalawang vintage bomb na may habang tig-isang metro ang kanyang nahukay.

Kinuha naman ng mga tauhan ng MPD-Explosive and Ordnance Division (EOD), ang dalawang vintage bomb para sa kustodiya.

vuukle comment

CHIEF INSP

CONSTRUCTION COMPANY

EXPLOSIVE AND ORDNANCE DIVISION

KIM CALDERON

MANILA POLICE-DISTRICT-POLICE STATION

ROMEO SALVADOR

ROXAS BOULEVARD

SAN ANDRES ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with