^

Metro

Zero casualty sa MM, ipinagmalaki ng MMDA

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Positibo ang naging resulta sa isinagawang preparasyon  ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at lahat ng local government units kung kaya’t maituturing na “zero casualty” ang Kalakhang Maynila sa nagdaang bagyong Ruby.

Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino, kaya na­ging zero casualty ang Metro­ Manila ay dahil na­­­paghandaan nang husto ang pagpasok ng kalamidad.

Ayon kay Tolentino, nagiging maganda ang resulta hinggil sa ginagawang paghahanda  sa Metro Manila,  partikular ang mga local government unit (LGUs) kapag may parating na kalamidad  at ito’y dahil  may natutunan nang leksiyon mula sa mga nagdaang kalamidad.

Maging sa ipinatutupad na preemptive eva­cuation ay sinigurong nasa ligtas nang lugar ang lahat bago pa man mahuli kung kaya’t mas mainam at tama lamang na maging handa.

Pinasalamatan din ni Tolentino ang mga mall operator, dahil bukod sa sumang-ayon ito sa kanyang kahilingan na magsara ng maaga, pinagamit pa nito ng libre ang kanilang parking lot lalo na sa mga walang matulugan.  Partikular na tinukoy ni Tolentino ang parking lots ng SM.

vuukle comment

AYON

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

KALAKHANG MAYNILA

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PARTIKULAR

PINASALAMATAN

TOLENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with