^

Metro

Kelot tigok sa saksak, bugbog ng 7 katao

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang lalaki ang nasawi makaraang pagtulungang saksakin at bugbugin ng pitong lalaki sa lungsod Quezon, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, nakilala ang biktima na si Richard Palmario, 33, ng Bgy. Talipapa.

Ayon sa ulat ni SPO1 Cris Zaldarriaga, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa may Arty 2 St., malapit sa panulukan ng Mindanao Ave­nue, Bgy. Talipapa, ganap na alas 11:30 ng gabi.

Base sa pahayag ng mga testigong sina Christina at Alex Parungao, naglalakad umano sila sa lugar nang makita ang isang lalaki na hinahabol ng pitong lalaki na may bitbit ng bato at boteng walang laman.

Nang maabutan ang lalaki ay saka pinagtulu­ngang bugbugin hanggang sa tuluyang iwang nakahandusay at wala ng buhay sa lugar.

Sa pagsisiyasat ng otoridad, lumabas na bukod sa mga sugat dulot ng pambubogbog ay nagtamo din ang biktima ng dalawang tama ng saksak sa kanyang katawan.

Patuloy ang imbestigas­yon ng otoridad sa nasabing insidente.

vuukle comment

ALEX PARUNGAO

AYON

BGY

CHRISTINA

CRIS ZALDARRIAGA

MINDANAO AVE

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

RICHARD PALMARIO

TALIPAPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with