^

Metro

Homeowners’ prexy todas sa tandem

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muli na namang sumalakay ang mga kriminal na naka-riding-in-tandem sa motorsiklo nang pagbabarilin at mapatay ang pangulo ng isang homeowners association sa tapat ng vulcanizing shop nito sa Caloocan City kamakalawa ng tanghali.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Ereneo Constanti, 55-anyos, residente ng Doña Ana Street, Brgy. 175, ng naturang lungsod.  Mabilis namang tumakas ang dalawang salarin na magkaangkas sa isang motorsiklo.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, pasado alas-11:00 ng umaga nang huminto sa harapan ng vulcanizing shop ng biktima ang dalawang lalaking sakay ng isang motorsiklo na unang inakala ni Constanti na magpapaayos ng gulong.

Bigla na lamang bumunot ng kalibre .45 baril ang nakaangkas na suspek at pinaputukan ang biktima saka mabilis na tumakas nang matiyak na napatay na nila ito.

Napag-alaman na bukod sa pagiging pangulo ng Samahan ng mga Bikolano sa kanilang lugar, si Constanti ay siya ring tumatayong pangulo ng Barangay 175 Homeowners Association.

Inaalam pa ng pulisya kung may kaugnayan sa pagiging pangulo ng samahan ng mga residente sa lugar ang motibo sa pamamaslang o may iba pang anggulo ang nasa likod ng pamamaslang.

vuukle comment

ANA STREET

BIGLA

BIKOLANO

BRGY

CALOOCAN CITY

CONSTANTI

ERENEO CONSTANTI

HOMEOWNERS ASSOCIATION

INAALAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with