^

Metro

Kuya tinodas ng utol

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 21-anyos na binata, makaraang saksakin ng kanyang nakababatang kapatid na nagalit matapos na makialam ang una sa pagtatalo ng huli at ng isa pa nilang kapatid na babae sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Nakilala ang nasawi na si Edgardo Ramos Jr., ng Urbano St., Brgy. Bagbag sa lungsod. Agad namang tumakas ang suspect na utol nito na 16-anyos.

Ayon kay PO3 Marlon dela Vega, nangyari ang insidente sa loob ng kanilang bahay, ganap na alas-5:45 ng gabi.

Bago ito, ang suspek at kanyang nakababatang ka­patid na si Kian Camille ay nagtatalo sa hindi mabatid na kadahilanan. Nang makita ito ng kuya na biktima, tinangka ng huling awatin ang dalawa.

Pero sa halip na huminto, ibinaling ng suspek ang kanyang galit sa kanyang kuya at sinaksak ito sa dibdib saka mabilis na umalis sa lugar.

Itinakbo naman ng kanyang mga kapitbahay sa Nova­liches District General Hospital ang biktima at kalaunan ay inilipat sa Quezon City General Hospital kung saan siya idineklarang dead-on-arrival.

Patuloy ang follow-up investigation ng awtoridad sa nasabing insidente habang pinaghahanap ang suspek.

vuukle comment

AYON

BAGBAG

BRGY

DISTRICT GENERAL HOSPITAL

EDGARDO RAMOS JR.

ITINAKBO

KIAN CAMILLE

QUEZON CITY GENERAL HOSPITAL

URBANO ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with