^

Metro

Bebot inutas sa QC

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang babae ang binaril sa ulo hanggang mamatay ng hindi nakikilalang salarin sa lung­sod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Isinalarawan sa pa­gitan ng edad na 32-35, may taas na 4’11, maputi, balingkinitan ang ka­tawan, nakasuot ng polo shirt at itim na short pants, may mga tattoo na “Benie” sa kanyang kaliwang braso, isang bulaklak at isang puso na may pangalang “Janet” sa loob nito.

Ayon kay SPO1 Julius Rempillo, imbestigador, hirap sila sa pagtukoy sa suspek dahil wala naman umanong nakakita sa pamamaril, maliban sa mga narinig na putok ng baril sa pinangyarihan ng krimen.

Nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Pook dela Cruz, Brgy. Old Balara, ganap na alas-2:05 Sabado ng hapon.

Sabi ng isang residente, nasa loob siya ng kanilang bahay nang marinig ang isang putok ng baril mula sa labas  at nakita  niyang walang buhay na biktima.

Sabi ni Chief Insp. Nelson Sta. Maria ng Scene of the Crime Ope­ratives (SOCO) nag­tamo ng isang tama ng bala sa kaliwang sen­tido na naglagos sa liku­rang bahagi ng kanyang ulo ang  biktima.

Nitong nakalipas na Biyernes, isang hindi nakikilalang babae rin ang pinagbabaril sa isang insidente ng panghoholdap sa may Brgy. Holy Spirit.

vuukle comment

BRGY

CHIEF INSP

HOLY SPIRIT

ISANG

JULIUS REMPILLO

NELSON STA

OLD BALARA

SABI

SCENE OF THE CRIME OPE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with