^

Metro

Shabu nasamsam sa raid sa Pasay

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasamsam ng pulisya ang labing-anim na plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P50,000  sa isang pagsalakay na isinagawa kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Ayon kay Police Chief Inspector Rolando Baula, hepe ng Intelligence Division ng Pasay City Police, alas-3:00 ng madaling-araw nang isagawa ang raid sa isang bahay sa Maginhawa St., Brgy. 14 ng naturang lungsod sa bisa ng search warrant na inisyu ng Pasay City Regional Trial Court.

Walang naabutang mga suspek ang pulisya at ang nakita ay ang  16 pirasong plastic sachet na naglalaman ng shabu na nasa halagang P50,000.00. Kaagad kinuha ng mga pulis ang naturang mga droga upang magsilbing ebidensiya.

Ayon pa sa pulisya ang isinagawa nilang operasyon  ay base na rin sa ilang reklamong kanilang natatanggap hinggil sa talamak umano ang droga sa naturang lugar. Dahilan upang mag-apply sila ng search warrant sa Pasay City RTC. Sa ngayon ay nagsasagawa ng follow-up ang mga pulis laban sa mga suspek na pansamantalang hindi muna pinangalanan.

vuukle comment

AYON

BRGY

DAHILAN

INTELLIGENCE DIVISION

KAAGAD

MAGINHAWA ST.

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

PASAY CITY REGIONAL TRIAL COURT

POLICE CHIEF INSPECTOR ROLANDO BAULA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with