^

Metro

Binata nagbigti

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Winakasan ng isang 27-anyos na binata ang sariling buhay makaraang magbigti sa loob ng kanyang kuwarto, kamakalawa sa Malabon City.

Isinugod pa sa Pagamutang Lungsod ng Malabon ngunit hindi na umabot pang buhay si Jose Paviricio, residente ng Brgy. Longos, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:30 ng umaga nang madiskubre ang ginawang pagbibigti ni Paviricio ng pinsan nitong babae.  Nabatid na gumamit ang biktima ng alambre na ipinulupot sa leeg sa isinagawang pagpapatiwakal.

 Ayon kay Wilma Adeve, dakong alas-6 ng umaga nang huli niyang makitang buhay ang pinsan. Nagkakape umano siya nang makita niyang umakyat ito sa ikalawang palapag ng bahay. Blangko naman ang mga kaanak ng mga biktima sa tunay na sanhi ng pagpapatiwakal ng biktima na hindi naman nasabi sa ulat kung nag-iwan ng suicide note.

vuukle comment

AYON

BLANGKO

BRGY

ISINUGOD

JOSE PAVIRICIO

LONGOS

MALABON

MALABON CITY

NABATID

PAGAMUTANG LUNGSOD

WILMA ADEVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with