^

Metro

Lalaki, todas sa boga

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaalam ngayon ng pu­lisya  ang motibo ng pama­­m­as­lang sa isang lalaki na binaril ng hindi pa naki­kila­lang suspek kahapon ng madaling-araw sa Tondo­, Maynila.

Kinilala ni SPO3 Glenzor Vallejo ng MPD-Homicide ang biktima na si Mark Kevin Tingson,  ng Temporary Housing Unit, Tondo habang hindi natukoy ang suspek na tumakas matapos ang krimen.

Sa imbestigasyon, ala-1:10 ng madaling-araw  nang  maganap ang pamamaril kay Tingson sa eskinita sa Minitel Manila sa Radial 10 sa Jacinto St., Tondo.

Ayon sa kasama ni Tingson, naghahanap sila ng junkshop na mapagbebentahan ng kanilang mga nakalap na basura nang dumating umano ang grupo ng mga lalaki at isa sa mga ito ay bumunot ng baril saka ipinutok sa biktima.

Naisugod pa sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang bik­tima subalit namatay din matapos ang isang oras.

Nabatid na nagtamo ng isang tama ng bala sa kanang noo ang biktima na kanyang ikinamatay.

 

vuukle comment

AYON

GAT ANDRES BONIFACIO MEMORIAL MEDICAL CENTER

GLENZOR VALLEJO

JACINTO ST.

MARK KEVIN TINGSON

MINITEL MANILA

SHY

TEMPORARY HOUSING UNIT

TINGSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with