^

Metro

Lalaki lumutang sa Ilog Pasig

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang lalaki na  sinasabing may diperensiya sa pag-iisip at lagalag  ang nakitang  lumulutang matapos na malunod sa Pasig River, sa bahagi ng Muelle dela Industria, sa Binondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Inilarawan ni SPO1 John Charles Duran ng Manila Police District-Homicide Section ang biktima na nasa edad na 40 hanggang 45, may taas na 5’2-5’4, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot lamang ng shorts na  dirty white.

Ang Philippine Coast Guard (PCG) ang  nakatagpo sa bangkay ng biktima na lumulutang sa ilog at itinawag sa MPD dakong alas 6:30 ng umaga.

Bagamat walang  nakakakilala sa biktima, madalas umano itong pagala-gala sa lugar na sinasabing may diperensiya sa pag-iisip.

Batay sa nakuhang impormasyon ni Duran, nakita nina Irene Aquio, 30  at Christine Joy Mace, 25 ang nasabing biktima na tumalon sa ilog dakong ala 1:00 ng hapon noong Sabado at nagulat na lamang sila nang mabalitaang nalunod ito.

Inakala lamang umano ng dalawa na maliligo lamang ang biktima at hindi nila inisip na malulunod ito.

Nakitaan ng dugong luma­bas sa ilong ang bangkay ng biktima at wala namang iba pang sugat o palatandaan na ito ay pinahirapan o sadyang pinatay.

 

vuukle comment

ANG PHILIPPINE COAST GUARD

BAGAMAT

BATAY

CHRISTINE JOY MACE

IRENE AQUIO

JOHN CHARLES DURAN

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

PASIG RIVER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with