^

Metro

Drayber patay sa heat stroke

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumulagta ang 58-an­yos na drayber ng pampa­saherong jeepney maka­raang ma-heat stroke habang natutulog sa sasak­yan sa Sampaloc, Maynila kahapon ng umaga.

Sa ulat ni PO3 Dennis Turla ng Manila Police Dis­trict-Homicide Section­, nadiskubre ang biktimang si Rodolfo Panis na hindi na gumagalaw habang naka­higa sa nakaparadang dyipni­ na ipinapasada nito sa pa­nulukan ng Lardizabal at  Pureza  Street sa Sampaloc bandang alas-5 ng umaga.

Gayon pa man, inakala ng anak na si John Mark na natutulog lamang ang kanyang ama dahil sanay umano itong sa labas ng bahay matulog dahil sa init sa loob ng bahay.

Subalit nang usisain ang biktima ay nadiskubreng patay na dahil sa matinding init ng panahon.

Nakiusap na rin ang anak na huwag na lamang isa­ilalim sa imbestigasyon sa paniniwalang walang foul play ang pagkamatay ng kan­­yang ama.

 

 

vuukle comment

BUMULAGTA

DENNIS TURLA

GAYON

HOMICIDE SECTION

JOHN MARK

LARDIZABAL

MANILA POLICE DIS

RODOLFO PANIS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with