^

Metro

Simbahan sa QC naabo

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot sa P.5 milyon halaga ng ari-arian ang naabo makaraang tupukin ng apoy ang isang simbahan na “Christian Church” na ikinasugat ng isang Nigerian national sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Ayon kay QC Fire Marshall F/Supt. Jesus Fer­nandez, sumiklab ang apoy dakong 6:37 ng umaga sa simbahan ng Team Ministries International na matatagpuan sa kanto  ng Kamuning Road at T. Gener St., Kamuning, QC.

Nabatid sa arson investigator na faulty electrical wiring ang hinihinalang dahilan ng sunog na tumupok sa dalawang palapag na simbahan na nagmula sa ikalawang palapag at ganap na fire out dakong 7:10  ng umaga.

Nasugatan naman sa naturang sunog ang isang Nigerian na si Gerry Gideon, na mabilis na nakalabas sa nasunog na kuwarto nito.

Sinabi sa ulat na ang may-ari ng naturang gusali ay isang Bishop Ricardo Sio.

vuukle comment

BISHOP RICARDO SIO

CHRISTIAN CHURCH

FIRE MARSHALL F

GENER ST.

GERRY GIDEON

JESUS FER

KAMUNING ROAD

QUEZON CITY

TEAM MINISTRIES INTERNATIONAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with