^

Metro

Lola, 2 apo patay sa sunog

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlo katao ang nasawi, kabilang ang isang 68-anyos na lola at dalawang apo nito  sa sunog na na­ganap dahil sa napabayaang ga­sera kahapon ng madaling-araw sa Taguig City.

Kinilala ni Chief Ins­pector Maslang, ng Taguig City Fire Department ang mga nasawing biktima na sina  Zenaida Delos Santos; ang mga apo nitong sina Roniel delos Santos, 8; at  Ariana delos Santos, isang taong gulang, na magdiriwang dapat ng kaarawan niya kahapon.

Natagpuan ang bangkay ng mga biktima na nakasama sa nasunog nilang bahay sa Paco St., Coco Hills, Brgy., Bagumbayan ng naturang lungsod.

Kayakap pa ni Ze­naida si Ariana, samantalang si Roniel ay katabi naman ng kanyang lola.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ni SFO2 Pedrito Polo, alas-12:08 ng madaling-araw nakarinig ng pagsabog mula sa unang palapag ng bahay ng pamilya Delos Santos.

Dahil walang kuryente ang mga ito kung kaya’t naiwang nakasindi ang ga­sera dahilan upang kumalat ang apoy na humantong sa ikatlong alarma.

Tinatayang umabot sa P100,000 halaga ng mga ari-arian ang naabo at  alas-12:55 idineklarang kontrolado ang sunog. Bahagya lamang sa kalapit bahay ang nadamay.

Patuloy na iniimbestigahan ang naturang insidente.

vuukle comment

ARIANA

CHIEF INS

COCO HILLS

DELOS SANTOS

PACO ST.

PEDRITO POLO

RONIEL

TAGUIG CITY

TAGUIG CITY FIRE DEPARTMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with