^

Metro

AUV pumailalim sa bus: 2 sugatan

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang Korean national at ang kasama nitong babae ang kapwa­ sugatan matapos bumangga at  pumailalim ang sina­sakyan nilang AUV sa  isang pampasaherong bus hanggang sa maipit,  kahapon ng madaling araw sa Makati City.

Kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Makati Medical Center ang Koreano na si Jae Yeongoh, 30,  habang ang kasama nitong babae na hindi pa matukoy ang pagkakakilanlan ay ginagamot naman sa Ospital ng Makati.

Halos isang oras bago nakuha ang naturang Koreano dahil naipit ito sa kanyang minamanehong sasakyan.

Samantala ang driver ng Admiral Transport Bus (PWR-177) ay nakilala namang si Jomar Galme, walang nakitang lisensiya dito dahil posibleng una na itong nahuli dahil sa traffic violation at  tanging ipinakita lamang nito sa mga awtoridad  ay isang  traffic violation ticket.

Ayon sa imbestigasyon  ni P03 Jaime Orante,  ng Makati City Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente alas-2:00 ng madaling araw  sa southbound ng EDSA-Guadalupe, Makati City

Ayon kay Galme, habang binabagtas niya ang naturang lugar ay biglang sumalpok sa likuran niya ang Innova AUV na may plakang TMO -152 na minamaneho naman ito ng naturang dayuhan. Ayon sa mga awtoridad, lasing umano ang driver ng Innova AUV  dahilan upang pumasok ito sa ilalim ng bus hanggang sa naipit ito sa loob ng minamaneho nitong sasakyan.

Sa kabila na idinepensa ni Galme, posible aniyang ka­suhan  pa rin ito habang patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga awtoridad­  ang naturang insidente.

 

vuukle comment

ADMIRAL TRANSPORT BUS

AYON

GALME

INNOVA

ISANG KOREAN

JAE YEONGOH

JAIME ORANTE

MAKATI CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with