^

Metro

Mag-utol patay sa tandem

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang magkapatid, habang sugatan din ang 2 taong gulang nilang kaanak, makaraang pagbabarilin ng riding­ in tandem na suspek sa kanilang bahay sa lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Ramon Gutierrez, 49, may-asawa; at Leodegracia Gutierrez, 74, pa­wang mga residente ng no. 1 Congressional St., Brgy. Batasan Hills.

Ang sugatan namang bata ay kinilalang si Crismon Gutierrez, na naka­ratay ngayon sa Fairview General Hospital.

Ayon kay PO2 Jogene Hernandez, dalawang armadong lalaki na sakay ng kulay pulang Suzuki Skydrive motorcycle ang responsable sa pamamaril sa mga biktima.

Nangyari ang insidente sa may harap mismo ng bahay ng mga biktima, ganap na alas-11 ng gabi.

Diumano, nasa loob ng kanilang bahay si Ramon nang biglang dumating ang mga suspek sakay ng ka­nilang motorsiklo.

Mula dito, ay biglang pinagbabaril ng mga suspek si Ramon at nang bumuwal ito ay saka sumibat patu­ngong San Mateo Road.

Sa pamamaril ng mga suspek, ay nasa loob ang mga biktimang sina Leodegracia at Crismon dahilan para tamaan din ang mga ito ng ligaw na bala.

Agad namang isinugod ang mga biktima ng ka­nilang kaanak na si Danilo Sevilla, sa naturang ospital kung saan idineklarang dead on arrival si Ramon, samantalang namatay habang nilalapatan ng lunas si Leodegracia.

Sa pagsisiyasat ng awtoridad, si Ramon ay nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan, habang ang matandang Gutierrez naman ay nagtamo ng tama ng bala sa dibdib at kanang braso. 

Patuloy ang imbestiga­syon ng awtoridad sa na­sabing insidente upang ma­batid ang ugat ng naturang pamamaril.

 

vuukle comment

BATASAN HILLS

CONGRESSIONAL ST.

CRISMON GUTIERREZ

DANILO SEVILLA

FAIRVIEW GENERAL HOSPITAL

JOGENE HERNANDEZ

LEODEGRACIA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with