^

Metro

Estudyante, nagbigti

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang estudyante ang natagpuan ng kanyang kapatid na nagkabigti sa loob ng kanilang bahay sa Pasig City, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang nasawi na si Arden Garchitorena, 19, high school student sa Sagad School at nakatira sa E. Santos St., Brgy. Palatiw sa lungsod.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Michael Espares ng Pasig City police, nabatid na dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang matagpuang nakabigti sa loob ng kanilang bahay ang biktima gamit ang tela na itinali sa kisame.

Ayon kay Jerubon, umuwi siya sa kanilang tahanan at pagbukas niya sa pintuan ng bahay ay nakita niyang nakabigti ang kapatid kaya mabilis nitong tinawag ang kanilang ina para kalagin ang pagkakabigti nito.

Isinugod pa sa Pasig City General Hospital (PCGH) ang biktima pero hindi na ito uma­bot pang buhay. Bago ang pagpapakamatay ng biktima ay sinasabing nakita itong may malalim na iniisip at walang kibo sa isang sulok na indikasyon na may personal na problema na hindi naman masabi ng mga kaanak kung anong uri ng problema.

 

vuukle comment

ARDEN GARCHITORENA

AYON

BRGY

ISANG

MICHAEL ESPARES

PASIG CITY

PASIG CITY GENERAL HOSPITAL

SAGAD SCHOOL

SANTOS ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with