^

Metro

‘Siga’ itinumba sa Maynila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang sinasabing ‘siga’ nang paputukan ng ilang beses ng isang di pa kilalang lalaki, sa Tondo, Maynila kamakalawa ng hapon.


Ang biktima ay kinilalang si Manny Villa­nueva, may asawa, walang trabaho, sinasabing sangkot sa mga iligal na gawain at residente ng #1052,  Gate 7,  Area- A,  Parola Cmpd.,  Tondo.

Bigo pang matukoy ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng tumakas na suspect at motibo sa krimen dahil walang nais magsalita sa mga
 naka­saksing residente.


Sa ulat ni PO3 Ronald Gallo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-5:15 ng hapon nang maganap ang insidente sa Gate 19, Parola Compound, Tondo.

Naglalakad ang bik­tima habang may na­ka­­sukbit sa beywang na baril nang
 harangin umano ng suspect at malapitang barilin sa noo, katawan at likod.

 Nang bumu­lagta, saka lamang sumaklolo na ihatid sa Gat Andres
 Bonifacio Memorial Medical Center  (GABMMC) ang biktima ng mga 
naka­istambay subalit idi­neklarang dead-on-arrival.

Patuloy pa ang im­bes­tigasyon at paghahanap ng testigo sa 
insidente.

 

vuukle comment

BONIFACIO MEMORIAL MEDICAL CENTER

GAT ANDRES

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MANNY VILLA

PAROLA CMPD

PAROLA COMPOUND

RONALD GALLO

SHY

UML

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with