^

Metro

Ginang niratrat, patay

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas ang isang ginang habang isa pa ang sugatan sa pamamaril ng dalawang lalaki  kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Si Josephine Rufin, 47,  ng Phase 2, Area 3, Dagat-Dagatan Avenue, Brgy. 14 ng nasabing lungsod ay binawian ng buhay  habang ginagamot sa Tondo Gene­ral Hospital sanhi ng tama ng bala ng baril sa katawan habang himalang hindi nahagip ng bala ang karga nitong anak na hindi na nakuha ang pangalan.

Ginagamot naman sa nabanggit na pagamutan ang isa pang biktima na si Joseph Corcino, 31, naninirahan din sa naturang lugar na sinasabing siya talagang target sa pamamaril.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang dalawang suspek na ang isa ay nakilala lamang sa alyas Iking.

Naganap ang insidente  alas-10:00 ng umaga sa ka­habaan ng Dagat-Dagatan Avenue ng naturang siyudad.

Ayon sa ulat ng pulisya, kasalukuyang hinahabol ng grupo ng mga suspek ang biktimang si Corcino nang mapadaan sa naturang lugar ang ginang at mapagkamalan ng mga salarin na kasama ng kanilang target kung kaya’t agad itong  binaril.

Bumulagta kaagad  si Rufin at himalang hindi tinamaan ng bala ng baril ang karga nitong anak habang tinamaan din  ang talagang target nilang si Corcino. Matapos ang pamamaril ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek.

vuukle comment

AYON

BRGY

CALOOCAN CITY

CORCINO

DAGAT-DAGATAN AVENUE

JOSEPH CORCINO

SI JOSEPHINE RUFIN

TONDO GENE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with