^

Metro

Onsehan sa droga, ‘single mom’ dinedo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang “single mother” makaraang barilin ng isa sa tatlong hindi pa nakikilalang lalaki na humarang sa dinaraanan nito kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Hindi na umabot ng buhay sa Tondo Medical Center dahil­ sa tama ng bala ng hindi mabatid na kalibre ng baril sa ulo at katawan ang biktimang si Maria Leonora Tongco, 38, residente ng Pescador 2, North Bay Boulevard North, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, mag-isang naglalakad ang biktima sa may Miguel St., NBBN, nang lapitan at barilin sa ulo ng isa sa mga suspect. Pagbagsak ng biktima ay lumapit ang isa pa at binaril din sa katawan ang una habang nagsilbing look-out ang ikatlong suspect.

Agad namang tumakas ang tatlong suspect makaraan ang pamamaril. Blangko naman ang pulisya sa motibo ng mga suspect ngunit naka­tuon ang imbestigasyon sa posibleng may kaugnayan ito sa iligal na droga.

Samantala sa Caloocan City, kritikal naman ang isang lola makaraang barilin sa ulo ng mister nito. Inoobserbahan ngayon sa Manila Central University si Eriquita Apostol, 62, ng Maligaya St. , Bagong Barrio, ng naturang lungsod.

Sa imbestigasyon ng Caloocan Police, nag-aaway ang suspect na si Demetrio Ordillos Sr., at ang anak nitong si “Junior” sa labas ng kanilang bahay dakong alas-6 kamakalawa ng gabi.  Pu­magitna naman ang biktima at ipinagtanggol ang anak sanhi upang lalong umalimpuyo sa galit ang suspect at nabaril ang asawa.

Agad namang tumakas ang suspect makaraan ang pamamaril habang isi­nugod sa pagamutan si Lola Eriquita­.

 

vuukle comment

BAGONG BARRIO

CALOOCAN CITY

CALOOCAN POLICE

DEMETRIO ORDILLOS SR.

ERIQUITA APOSTOL

LOLA ERIQUITA

MALIGAYA ST.

MANILA CENTRAL UNIVERSITY

MARIA LEONORA TONGCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with