^

Metro

Misis nagbigti, mister nagwala,tinangka ring mag-suicide

Ludy Bermudo, Jamille Obcena - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakabitin na sa lubid ang 29-anyos na misis nang madiskubre ng lasing na mister sa kanyang pag-uwi na isinugod pa sa pagamutan subalit hindi na umabot pang buhay sa Sta. Ana, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay PO3 Jupiter Tajonera ng MPD-Homicide Section, kinilala ang ginang na si Ruby Bedonio, ng Lotus St., Sta. Ana, Maynila. Isinugod siya sa pagamutan ng mister nito na si  Ricky Bedonio, alyas “Potpot”, 27, dakong alas-2:40 ng madaling-araw ng Miyerkules.

Nabatid na nakikipag-inu­man sa labas ng bahay ang mister at nang pumasok ay doon nito natuklasan ang ginawang pagbibigti ng misis.

Matapos isugod sa paga­mutan at nang mabatid na patay na ang asawa ay doon na nagwala si Ricky na nakitang may hawak ng basag na salamin na isinaksak sa sariling leeg.

Mabilis naman na pinigilan ng mga hospital staff  at security guard ng ospital  si Ricky at itinali ito sa kama ng ER habang nagpupumiglas.

Ayon pa sa ulat, madalas pag-awayan ng mag-asawa ang kahirapan sa buhay dahil walang permanenteng trabaho ang mister na madalas pang uminom ng alak.

May apat na anak umano ang mag-asawa na dalawa pa ang maliit na pinagga-gatas.

 

vuukle comment

AYON

HOMICIDE SECTION

ISINUGOD

JUPITER TAJONERA

LOTUS ST.

MAYNILA

RICKY

RICKY BEDONIO

RUBY BEDONIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with