^

Metro

Obrero binoga sa ulo dedo

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang construction worker makaraang barilin sa ulo ng hindi nakikilalang salarin sa lungsod Quezon kamakalawa.                    

Kinilala ang biktima na si Herbert Loleng, 26, residente sa San Gregorio, Alaminos, Laguna habang blangko naman sila sa pagkakakilanlan ng suspect dahil wala namang nakakita sa mga residente sa pangyayari.               

Ayon kay SPO1 Randy Bantillo, nangyari ang insidente sa may harap ng Julies bakeshop na matatagpuan sa kahabaan ng Susano Road, Barangay Novaliches Proper, ganap na alas 8: 20 ng gabi.

Sinabi  ng saksing si Benjie Merandilla, naglalakad siya sa naturang lugar nang makarinig siya ng isang malakas na putok ng baril malapit dito. Nang kanyang tignan ang pinanggalingan ng putok ay saka bumulaga sa kanyang harapan ang duguang katawan ng biktima habang nakalugmok sa gitna ng naturang kalsada.

Agad siyang humingi ng ayuda sa mga istambay sa lugar saka ipinagbigay alam ang insidente sa awtoridad.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operations napag-alamang ang biktima ay nagtamo ng isang tama ng bala sa likod ng kanyang ulo na siyang agad na ikinamatay nito.

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente.

vuukle comment

ALAMINOS

AYON

BARANGAY NOVALICHES PROPER

BENJIE MERANDILLA

HERBERT LOLENG

RANDY BANTILLO

SAN GREGORIO

SCENE OF THE CRIME OPERATIONS

SUSANO ROAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with