^

Metro

Ginang binoga sa loob ng tindahan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong bala mula sa kalibre .45 baril ang tinamo sa ulo  at leeg ng isang  36-anyos na ginang nang pagbabarilin ng isang lalaking nagpanggap na kostumer sa kanyang sari-sari store sa Baseco, Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Gat Andres­ Bonifacio Me­mo­rial Medical Center (GABMMC­)  ang biktimang si Jenalyn de Mesa Cena­rillos, ng Block 8 Ext., Baseco compound,  Port Area, Maynila.

Blangko pa ang mga awto­ridad sa pagkilanlan ng suspect­ na  nakasuot umano ng itim na jacket at armado ng  baril.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:00 ng gabi nang ma­ganap  ang insidente sa loob ng tindahan ng biktima, na nasa harapan ng kanyang bahay.

Nauna rito, nagpanggap na kostumer ang suspect na bumili pa ng candy sa biktima at nang iaabot na ng ginang ang binibili nito ay agad na itong pinaputukan sa ulo ng suspect.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspect sa madilim na bahagi ng Block 6 sa Baseco.

Narekober  sa crime scene ang dalawang basyo ng kalibre .45.

Ang pangyayari ay nasak­sihan ng live-in partner ng biktima na si  Renato Ca­nellad, na nagsabing wala siyang alam na dahilan kung bakit binaril ang kanyang misis.

vuukle comment

BASECO

BONIFACIO ME

GAT ANDRES

MAYNILA

MEDICAL CENTER

MESA CENA

PORT AREA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with