^

Metro

Pedicab driver tigok sa 2 pasahero

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 43-anyos na pedicab driver ang namatay nang barilin sa tenga ng isa sa dalawang pasahero, na nagpahatid sa tapat ng simbahan, sa  Balut, Tondo, Maynila,  kamakalawa ng hapon.

Dead on the spot ang biktimang si Ronnie Longos Bruta, ng no. 220 Interior 60,  Rodriguez St., Balut, Tondo habang patuloy namang ina­alam ng pulisya ang pagkakakilanlan sa dalawang suspect na mabilis na tumakas.

Ayon kay SPO1 Ri­chard Limuco, ng Manila Po­lice District-Homicide Section, dakong alas-2:00 ng hapon nang maganap ang insi­ dente sa mismong harapan ng San Rafael Church, sa Rod­riguez St..

Sumakay umano sa terminal ng pedicab  sa panulukan ng Honorio Lopez at Rodriguez Avenue ang dalawang pasahero at nagpahatid ang mga ito sa loob ng subdivision sa San Rafael at pagsapit sa harapan ng simbahan, ay doon siya pinutukan sa tenga na agad namang bumulagta.

Sa pagtakas umano ng dalawang suspect ay suma­kay ito sa nakaabang na mo­torsiklo sa hindi kalayuan sa lugar, at saka pinaharurot ito sa northward bound Soledad St., sa may boundary ng Navotas City.

 

vuukle comment

DISTRICT-HOMICIDE SECTION

HONORIO LOPEZ

MANILA PO

NAVOTAS CITY

RODRIGUEZ AVENUE

RODRIGUEZ ST.

RONNIE LONGOS BRUTA

SAN RAFAEL

SAN RAFAEL CHURCH

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with