^

Metro

2 driver nagtalo, 1 patay

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang tsuper ang pinatay sa saksak ng kapwa nito tsuper matapos na magtalo ang mga ito habang nag-iinuman sa Pasay City kahapon ng madaling araw.

Dead-on-arrival sa Olivares Hospital ang biktimang si Morville Sitit Ramonal, 32, may asawa, nakatira sa #128 Road 4, Pildera 2, ng naturang lungsod, nagtamo ito ng ilang saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa isang patalim.

Nasa custody naman ng Pasay City Police ang suspect na si Rudy Boniao, 56, may asawa, nakatira sa nasabing lugar.

Ayon sa report na natanggap ni Sr. Supt. Rodolfo Llorca, hepe ng Pasay City Police, naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng madaling araw sa Road 4, Barangay Pildera 2 ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na alas-9:00 pa lamang ng gabi ay nag-iinuman na ang suspect, biktima at ilang mga kaibigan nito hanggang sa umabot ng madaling-araw.

Habang nagkukuwentuhan ay bigla na lamang nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng biktima at suspect hanggang sa inawat sila ng kanilang kainuman.

Subalit, hindi nagpaawat ang suspect at kinuha nito ang nakatagong patalim hanggang sa inundayan ng saksak ang biktima, na kaagad na dinala sa nabanggit na ospital, subalit hindi na nakarating ng buhay.

Ang suspect naman ay kusang-loob na sumuko sa mga pulis at sinampahan nito ng kasong murder dahil maraming tama ng saksak ang biktima. Patuloy pang iniimbestigahan ang naturang kaso.

 

vuukle comment

AYON

BARANGAY PILDERA

HABANG

MORVILLE SITIT RAMONAL

OLIVARES HOSPITAL

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

RODOLFO LLORCA

RUDY BONIAO

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with