^

Metro

2 kalansay nadiskubre sa septic tank

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang kalansay ng tao ang nakuha ng pinagsanib na puwer­sa ng pulisya at NBI sa  poso-negro ng isang abandonadong bahay sa Parañaque City kahapon.

Ayon kay Parañaque police chief Senior Supt. Andrei Felix, unang nakuha sa septic tank ang isang kalansay na may mga nakadikit pang nabu­bulok na laman na sinundan ng pagkakuha sa isang bungo at hiwa-hiwalay na kalansay ng tao.

Sinabi ni Felix na unang nakipag-ugnayan sa kanila ang Criminal Intelligence Division ng NBI makaraang makatanggap ng impormasyon na ginagawang tapunan ng bangkay ang septic tank sa bahay sa may kanto ng Tel Aviv street at Multinational Avenue sa Multinational Village ng naturang lungsod.

Dito nagsagawa ng operasyon ang pulisya at NBI kung saan hinukay ang naturang poso-negro at salain ang laman nito. Bukod sa mga kalansay, nakuha rin sa septic tank ang mga sako at kable ng kuryente na posibleng ginamit na panggapos sa mga itinapong bangkay.

Naniniwala naman  ang NBI na hindi sabay-sabay itinatapon sa poso negro ang bangkay kaya’t ang una nilang nakuha ay buo pa at may nakadikit pang mga laman ng tao.

 

vuukle comment

ANDREI FELIX

AYON

BUKOD

CRIMINAL INTELLIGENCE DIVISION

MULTINATIONAL AVENUE

MULTINATIONAL VILLAGE

SENIOR SUPT

TEL AVIV

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with