^

Metro

Pumatay sa binatilyo, sumuko

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sumuko sa pulisya ang salarin na uma­ming siyang sumaksak at pumatay sa isang 17-anyos na kapitbahay at malubhang pagkaka­sugat sa kapatid nito sa Parañaque City noong Linggo ng madaling-araw.

Sumuko kay Pasay City Police chief, Sr. Supt. Rodolfo Llorca ang suspek na si Francisco Versoza, 27, at naninirahan sa Brgy. San Antonio Village, Parañaque.

Inamin nito ang pana­naksak sa magkapatid na sina Jonard Asis, 2nd year high school student, at nakababatang kapatid na si Leah Camille, 14.  Nasawi sanhi ng 19 na saksak si Jonard habang kritikal pa rin sa paga­mutan si Leah Camille.

Ayon kay Versoza, ang ama talaga ng magkapatid ang kanyang target.­

Nagta nim umano siya ng matinding sama ng loob dahil sa palagi­ang pagmumura sa kanya ng ama ng mga biktima na hindi muna binanggit ang pangalan at tangkang pagsagasa sa kanya minsan­ ng motorsiklo.

Ikinaila rin niya na tinangka niyang magnakaw sa loob ng bahay ng mga biktima at ang tanging pakay niya ay ang gumanti sa matandang Asis dahil sa ginagawang pag-alipusta sa kanya. Nang hindi makita ang kanyang target, ibi­naling niya ang kimkim na galit sa magkapatid na kanyang pinagsasak­sak.

Hindi naman ka­agad kinagat ng pulisya ang alibi ni Verzosa lalo na’t nagpahayag na sa pulisya ang sugatang si Leah Camille na nahuli nilang naghahalughog sa loob ng bahay ang suspect.

Ipinasa na ang kustodiya sa suspek sa Parañaque City Police at nahaharap ngayon sa kasong murder at frustrated murder.

vuukle comment

CITY POLICE

FRANCISCO VERSOZA

JONARD ASIS

LEAH CAMILLE

PASAY CITY POLICE

RODOLFO LLORCA

SAN ANTONIO VILLAGE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with