^

Metro

Ex-convict itinumba

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas  ang isang ex-convict nang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspect kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Kinilala ni Sr.Supt. Ferdinand Ampil, hepe ng Ma­labon City Police ang biktima na si Noelito Hugo, 30, ng Perez St., Brgy. Tonsuya ng nabang­git na siyudad, na nagtamo ng tama ng bala ng kalibre .45 baril  sa ulo.

Samantala, mabilis namang tumakas ang dalawang suspect matapos ang isinagawang krimen. Lumalabas sa pagsisiya­sat ng Station Investigation Division (SID) Malabon City Police, naganap ang in­sidente dakong alas-7:30 ng gabi sa kahabaan ng Sanchez Ext., Brgy. Tinejeros ng naturang siyudad.

Base sa salaysay ng saksing si Aries Desacula, 28, naglalakad ang biktima sa nabanggit na lugar nang biglang harangin ng dalawang suspect at agad nagbunot ng baril saka malapitang bi­naril sa ulo  ang biktima  na naging dahilan ng agarang kamatayan nito.

Nabatid na kalalaya lamang ng biktima mula sa bilangguan noong Disyembre 2012. Patuloy pa ring ini­imbestigahan ang naturang kaso.

 

vuukle comment

ARIES DESACULA

BRGY

CITY POLICE

FERDINAND AMPIL

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

NOELITO HUGO

PEREZ ST.

SANCHEZ EXT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with