^

Metro

Driver utas sa kumursunada sa misis

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang driver matapos na saksakin ng isang  lalaki na kanyang sinita dahil sa pagtitig sa kanyang misis kamakalawa ng gabi sa  Sta. Cruz, Maynila.

Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center si  Alberto Pa­ngilinan, 34, ng Ampatuan Compound, Oroquieta St., Sta. Cruz dahil sa mga tinamong saksak sa  itaas na bahagi ng katawan.

Ayon kay SPO2 Ronald Gallo ng MPD Homicide, alas-9 ng gabi nang pasukin ng suspect sa mismong kuwarto ang biktima. Bago ang insidente, sinita umano ng biktima ang suspect dahil laging nahuhuling nakatitig sa kanyang misis kapag nasa labas ng kanilang bahay.

Dahil dito ay nagtalo ang dalawa hanggang sa  umalis na lamang ang suspect habang pumasok sa loob ng kanilang bahay ang biktima.

Nagulat na lamang umano ang biktima at kanyang anak nang makita na nasa loob ng kanilang bahay ang suspect at armado ng patalim at saka inundayan ng saksak ang una. Nabatid na nasa labas ng bahay ang asawa ng biktima nang mangyari ang insidente.

Hindi naman nadakip ang suspect  na si Enrique Ronquillo na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Isang manhunt operation naman ang isinasagawa ng pulisya laban sa suspect.

vuukle comment

ALBERTO PA

AMPATUAN COMPOUND

AYON

CRUZ

DAHIL

ENRIQUE RONQUILLO

OROQUIETA ST.

RONALD GALLO

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with