^

Metro

Dahil sa malakas na pagtawa, mister tinarakan

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Agaw-buhay ang isang mister nang saksakin ito ng isang hindi kilalang lalaki na nakasakay nito sa jeep makaraang mainis ang huli sa malakas na pagtawa ng una sa Navotas City, kama­kalawa ng gabi.

Ginagamot sa Tondo Me­dical Center sanhi ng saksak ng icepick sa likod ang biktimang si Dennis Santos, company agent, ng Tea­cher’s Village ng naturang  lungsod.

Base sa ulat ng Navotas City Police, dakong alas-8:50 ng gabi, kasama ng biktima ang misis niya sa jeep at masayang nagkukuwentuhan nang biglang mapatawa ng malakas si Santos.

Nabuwisit ang kasakay na lalaki at pumara sa M. Naval St., Brgy. North Bay Bou­levard North para bumaba.

Bago muling tumakbo ang jeep ay bumunot ng icepick ang suspek at walang sabi-sabing sinaksak ang nakata­likod na biktima. Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek ha­bang dinala naman ang biktima sa nabanggit na ospital, kung saan iniimbesti­gahan na ng mga pulis ang insi­dente.

 

vuukle comment

AGAW

BRGY

DENNIS SANTOS

NAVAL ST.

NAVOTAS CITY

NAVOTAS CITY POLICE

NORTH BAY BOU

SHY

TONDO ME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with