^

Metro

Sundo ni kamatayan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Duguan at wala ng buhay ang isang 23-anyos na lalaki  ilang minuto matapos sunduin ng dalawang barangay tanod sa kanilang bahay, sa Tondo, Maynila,  kahapon ng madaling-araw.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Jonathan Caludio ng B-32, C.P Garcia St., Moriones, Tondo, sanhi ng tama ng bala sa mukha. Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang suspect na si Reynaldo Solvero, 45, alyas Rene, tanod ng Brgy. 23,  Zone 9 at pamangkin nitong si Joseph, 33, alyas  Toto, dating brgy. tanod  at kapwa residente ng C.P Garcia St., Moriones,  Tondo.

Sa ulat ni PO2 Jose Gumilan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-3:00 ng madaling-araw nang sunduin ang biktima subalit makalipas ang ilang minuto ay nakarinig ang ama ng biktima na si Mang Jose  ng putok ng baril.

Nang usisain ni Mang Jose ay bumungad sa kanya ang anak na duguang nakahandusay sa kalye  at wala nang buhay. Patuloy pang inaalam ang motibo sa pamamaslang.

vuukle comment

BRGY

DUGUAN

JONATHAN CALUDIO

JOSE GUMILAN

MANG JOSE

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

P GARCIA ST.

REYNALDO SOLVERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with