^

Metro

Lalaki dedo sa bugbog

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay sa bugbog ang isang lalaki na natagpuan sa isang bakanteng lote sa Taguig City kahapon ng umaga.

Sa pamamagitan ng ID, nakilala ang biktima na  si Apolonio Magundayao Jr, 30, naninirahan sa #30 Purok 2 MLQ St., Bgy. Bagumbayan, ng lungsod na ito.

Samantala, blangko pa ang pulisya kung sino ang mga taong responsable sa pagpatay sa biktima. 

Base sa isinumiteng report ni Sr. Supt. Tomas Apolinario, hepe ng Taguig City Police, dakong alas-7 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa bakanteng lote sa  Bagong Silang Compound, Bgy. Hagonoy nang nasabing lungsod­.

Lumalabas sa imbestigasyon ni SPO1 Darwin Allas, ng Station Investigation and Detective Management Section, ang bangkay ng biktima ay nadaanan lamang ng mga residente sa nasabing compound, na  agad namang ipinagbigay-alam sa mga pulisya.

Nang suriin naman ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Southern Police District (SPD),  nagtamo ng mga pasa at nagkabali-bali ang mga buto   na hinihinalang dumanas ito ng matinding bugbog hanggang sa  itinapon lamang sa nasabing lugar.

Patuloy naman nagsasagawa nang ma­susing imbestigayon ang mga awtoridad hinggil sa insidente. Samantala ang labi ng biktima ay pansamantalang inilagak sa Rizal Funeral Homes upang i-autopsy.

 

vuukle comment

APOLONIO MAGUNDAYAO JR

BAGONG SILANG COMPOUND

BGY

DARWIN ALLAS

RIZAL FUNERAL HOMES

SAMANTALA

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

SOUTHERN POLICE DISTRICT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with