^

Metro

Bodyguard ni Tac Padilla, tinodas sa lamayan

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Patay ang bodyguard ng na­tional pla­yer ng Pilipinas sa “shooting” ma­karaang pagbabarilin ng tatlong hindi nakilalang salarin habang nakikipag­l­a­may sa Malabon City kahapon ng madaling araw.

Nagtamo ng mara­ming tama ng bala ng kalibre .45 at .9mm pis­tol na mga baril ang biktimang si Ernesto Baybay, alyas Estong, 41, at dating residente ng no. 112 C. Perez St., Brgy. Tonsuya. Nabatid na bodyguard si Baybay ni Nathaniel “Tac” Padilla na siyang may-ari naman ng Malabon Soap and Oil Corp.

Sa ulat ng Malabon City Police, naganap ang krimen dakong alas-2:30 kahapon ng madaling-araw sa isang burol sa kapitbahay ni Baybay sa C. Perez St. Nakaupo si Baybay nang biglang lapitan ng tatlong salarin at agad na bistayin ng bala.

Ayon sa isang saksi, nagtangka pa umanong bumunot ng baril ang biktima ngunit hindi na ito nakaganti ng putok. Tinangay pa ng mga salarin ang baril ng biktima saka mabilis na tumakas.

Isinugod pa ng mga kapitbahay si Baybay sa Tondo Medical Center ngunit hindi na ito umabot ng buhay.

Patuloy naman nga­yon ang isinasagawang imbestigasyon ng pulis­ya upang mabatid ang motibo ng krimen at pagkakakilanlan ng mga salarin.

vuukle comment

AYON

BAYBAY

ERNESTO BAYBAY

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

MALABON SOAP AND OIL CORP

PEREZ ST.

PEREZ ST. NAKAUPO

SHY

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with