Driver niratrat dedo

MANILA, Philippines - Isang taxi driver ang patay makaraang pagbabarilin ng hindi nakikilalang salarin sa labas ng kanyang bahay sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Ayon kay PO2 Rhic Roldan Pittong, may-hawak ng kaso, si Marlon Credo, 34, ay dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala ng baril sa katawan.

Nangyari ang pa­mamaril ganap na alas-11:30 ng gabi malapit sa bahay ng biktima sa Lot 4, Block 4, Duplex, Santan St., Maligaya Park, Brgy. sa lungsod.

Ayon kay Ma. Cristina Credo, kapatid ng biktima, nasa loob siya ng kanilang bahay nang makarinig siya ng malakas na mga putok ng baril sa labas.

Laking gulat niya nang makitang nakahandusay ang kapatid at naliligo sa sariling dugo.

Patuloy ang pagsisiyasat ng awtoridad sa nasabing insidente.

Show comments