^

Metro

Sanggol inabandona muntik nang lapain ng aso

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Isang sanggol na babae na tinatayang isa’t kalahating buwan ang muntik nang lapain ng aso makaraan itong iwan sa tapat ng isang bahay sa Quezon City, kama­kalawa ng gabi.

Dulot ng matinding pag-iyak ng sanggol, narinig ito at natagpuan ng isang Tammy Gabriel, 16, may-ari ng bahay na pinag-iwanan ng sanggol sa kahabaan ng E. Rodriguez Avenue, sa lungsod dakong alas-7:30 ng gabi.

Ayon kay Gabriel, kung medyo nahuli siya sa paglabas ng kanilang bahay, ay baka naunahan na siya ng mga asong gala na nakita niyang inaamuy-amoy na ang naturang sanggol at tila gusto na itong sagpangin.

Sa ngayon, ang naturang sanggol ay naiturn-over na sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa kaukulang disposisyon at pangangalaga.

vuukle comment

AYON

BAHAY

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

DULOT

ISANG

QUEZON CITY

RODRIGUEZ AVENUE

SANGGOL

TAMMY GABRIEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with