^

Metro

Pulisya patuloy na nakaalerto sa concert ni Lady Gaga

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Patuloy na nakaalerto ang “anti-riot teams” ng Pasay City Police upang kumontrol sa posibleng mga kilos-protesta na ilunsad ng ilang grupo sa dalawang araw na konsyerto ni Pop Diva Lady Gaga sa SM Mall of Asia Arena nitong Lunes at ngayong Martes.

Sinabi ni Pasay City Police chief, Sr. Supt. Melchor Reyes na nag­talaga na siya ng sapat na tauhan sa loob ng Mall Arena at sa bisinidad ng konsyerto upang matiyak ang seguridad ng singer, mga staff at production crew at ng mga fans.

Pinayuhan din ni Reyes ang mga moto­rista na iwasan na dumaan malapit sa venue ng konsyerto tulad ng Roxas Blvd. at Sen. Gil Puyat Avenue na ina­asahang dadagsa sa konsyerto. Ito’y makaraan din naman na magpatupad ng alternatibong ruta ang Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) ka­sabay ng konsyerto.

Sinimulan na nitong Linggo ng gabi ang pagpapatrulya ng pulisya sa bisinidad ng concert venue upang matiyak na wala namang makaka­lusot na mananabotahe.

Dumating si Lady Gaga sa bansa nung Sabado ng gabi kung saan dinagsa agad ng mga fans ang pagdating nito. Napuno ng kontrobersya ang na­ka­takdang kon­syerto dahil sa pagtutol ng ilang grupong konserba­tibo tul­ad ng Biblemode Youth Philippines partikular sa awiting “Judas”.

Hanggang ngayong gabi ang sinasabing concert ng kontrobersiyal na singer.  

vuukle comment

BIBLEMODE YOUTH PHILIPPINES

GIL PUYAT AVENUE

LADY GAGA

MALL ARENA

MALL OF ASIA ARENA

MELCHOR REYES

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHO

PASAY CITY POLICE

POP DIVA LADY GAGA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with