^

Metro

Dahil sa pagmumura, kelot ginilitan

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Dahil umano sa maaanghang na salita at pagmumura, isang binata ang ginilitan ng leeg hanggang sa mapatay ng tatlong kalalakihan sa Malabon City kahapon.

Patay na nang idating sa ospital sanhi ng mga saksak sa katawan at laslas sa leeg ang biktimang  si Arwin Tagalog, 28,  ng Sanciangco St., Brgy.  Catmon ng nabanggit na  lungsod.

Nadakip naman ng pulisya ang suspek na si Crismar Sajor habang nakatakas ang magkapatid na Nestor at Felix Moreto Jr.

Sa report ng Malabon City Police, naganap ang insidente dakong ala-1:00 ng hapon. Nabatid na nakikipag-inuman ang biktima kay Rose Ann Aceron sa nasabing lugar nang lapitan ng mga suspek at komprontahin dahil sa maaanghang na salitang binitawan nito. Imbes na huminahon ay minura pa ni Tagalog si Felix.

Naglabas ng mga patalim ang mga suspek at pinagtu­lungang saksakin ang biktima bago nagsitakas habang dinala naman si Tagalog sa nasabing ospital, subalit hindi na umabot ng buhay. Sa isinagawang follow-up operation ay nadakip si Sajor na pasakay ng pampasaherong jeep upang tumakas.

vuukle comment

ARWIN TAGALOG

BRGY

CATMON

CRISMAR SAJOR

DAHIL

FELIX MORETO JR.

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

ROSE ANN ACERON

SANCIANGCO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with