^

Metro

2 paslit tinangkang dukutin ng 2 naka-bonnet

-

MANILA, Philippines - Dalawang bata ang masuwerteng nakaligtas sa tiyak na kapahamakan matapos tangkaing dukutin ng dalawang kalalakihan na nakasuot ng bonnet sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Andrea, 8; at Arman Andrei, 4, na noon ay naglalaro ng badminton sa Don Raymundo St., San Agustin, Brgy. Talipapa dakong alas-6:30 ng gabi nang mangyari ang na turang insidente.

Nabatid ang insidente matapos dumulog sa tanggapan ng Police Station 3 ang ina ng biktima na si Ligaya Tamayo, 38, ng Raymundo St., San Agustin, Brgy. Talipapa.

Ayon kay Aling Ligaya, habang naglalaro ang kanyang mga anak ay may biglang dumating na berdeng van na hindi naplakahan. Mula rito ay may bumaba na isang lalaki na nakasuot ng bonnet at biglang binuhat ang batang si Arman Andrei. Isa pang naka-bonnet din ang nagsilbing driver ng van.

Nabigo naman ang pagdukot sa bata nang paghahampasin ng raketa ng badminton ni Andrea  kaya mabilis nitong ibinaba ang bata at saka tuluyang tumakas.

Dagdag pa ng ginang, habang hinahampas ni Andrea ang suspek namataan pa umano nito ang tatlo pang kabataan sa loob ng nasabing van.

Patuloy naman ang imbestigasyon at pagtugis ng mga awtoridad sa insidente. (Ricky T. Tulipat with trainee Chilles delos Reyes)

vuukle comment

ALING LIGAYA

ANDREA

ARMAN ANDREI

BRGY

DON RAYMUNDO ST.

LIGAYA TAMAYO

POLICE STATION

RAYMUNDO ST.

RICKY T

SAN AGUSTIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with