^

Lolo patay sa sunog, 5 pa sugatan

- Ni Mer Layson () - May 8, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Isang 65-anyos na lolo na may sakit ang nasawi habang lima pa ang sugatan sa sunog na tumupok sa kanilang mga tahanan sa Marikina City kahapon ng umaga.

Nagtamo ng mga sunog sa katawan ang biktima na nakilalang si Patricio Bala, 65, at residente ng 160 Malaya St., Barangay Malanday, Marikina City. Sinasabing nagkataong may karamdaman si Bala nang maganap ang sunog.

Sugatan naman at nagtamo rin ng mga paso at lapnos sa katawan ang lima pang biktima na sina Wilson Dunenas; Romeo Ramos; Edgardo Salonga; Bernie Duenas; at  Wilfredo Duenas.

Ayon kay Fire Inspector Elmer Maronilla, nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ni Bala dakong alas-5:45 ng umaga kahapon.

Hindi pa batid ng mga awtoridad ang pinagmulan ng apoy na umabot ng ikatlong alarma at naapula dakong alas-6:55 ng umaga.

Matapos ang sunog ay saka nadiskubre ng mga bumbero ang bangkay ng biktima na nakahiga pa sa ibabaw ng kaniyang kama.

Tinatayang umaabot sa kalahating milyong piso ang halaga ng mga ari-ariang naabo sa sunog, na tumupok rin sa isa pang bahay at isang sari-sari store. 

BALA BARANGAY MALANDAY BERNIE DUENAS EDGARDO SALONGA FIRE INSPECTOR ELMER MARONILLA MALAYA ST. MARIKINA CITY PATRICIO BALA ROMEO RAMOS WILFREDO DUENAS
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with