Totoy hulog sa truck, dedo

MANILA, Philippines – Napaaga ang salubong ni kamatayan sa 14-anyos na pahinante matapos malaglag mula sa bubungan ng truck sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City noong Linggo ng tanghali. Sa ulat na nakarating sa Camp Ka­ringal, kinilala ang biktima na si Jeric Oranes ng Katuparan St., Brgy. Commonwealth. Ayon sa Quezon City District Traffic Enforcement Unit (DTEU), naganap ang insidente sa harapan ng Commission on Audit sa Brgy. Batasan Hills. Lumilitaw na nag-ovetake ang truck (RPK794) sa sinusundang kotse kung saan nawalan ng balanse ang bata at nahulog mula sa bubungan ng truck. Nagawa pang maisugod sa FEU Hospital subalit idineklarang patay ang biktima. (Ricky Tulipat, trainee Mira Thea Alvarez)

Show comments