^

Metro

Sanggol nahulog sa kama, patay

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Namatay matapos na mahulog sa kama ang isang anim na buwang gulang na sanggol habang natutulog kasama ang kan­yang nanay sa lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.

Ayon kay PO2 Jogene Hernandez, may-hawak ng kaso, nagawa pang itak­bo ni Rolando de Vera ang anak na si Jasmin sa Sta. Te­resita Hospital, pero idi­neklara din itong patay ng mga doktor ganap na alas- 9:45 ng gabi.

Sinasabing natuklasan ang pagkahulog ng sanggol nang bumalik ng bahay si Rolando, matapos bu­mili ng diaper ganap na alas-8 ng gabi.

Bago umano lumabas si Rolando ng bahay para bumili ng diaper ay iniwan nito ang mag-ina na natutulog sa kama na may taas na tatlong pulgada.

Pinalalagay na hindi umano alam ng nanay na ang kanyang anak ay gumulong paibaba dahil sa kahimbingan ng pagtulog o maaring aksidente niya itong naitulak habang natutulog.

Patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya sa nasa­bing insidente.

vuukle comment

AYON

GABI

JOGENE HERNANDEZ

NAMATAY

NATUTULOG

PATULOY

PINALALAGAY

QUEZON

SHY

SINASABING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with