Sanggol itinapon sa basurahan

MANILA, Philippines - Isang bangkay ng sanggol na babae ang natagpuang inihalo sa basurahan sa gilid ng kalye sa K-6th Street, Brgy. West Kamias sa Quezon City kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City PNP, ang sanggol na sinasabing may isang linggo pa lamang naisisilang ang natagpuan ng 24-anyos na basurera.

Ayon kay  PO2 Alvin Qui­sumbing, natagpuan din sa kahon ang papel na may nakasulat na katagang “Baby Girl Quiobo” na pinaniniwalaang apelyido ng magulang ng bata.

Bukod pa rito ang mga nakasulat na pangalang Evangeline na pinalalagay na pa­ngalan ng nanay at Dr. Reyes na siya naman ang sina­sabing doktor na nagpa­luwal sa sanggol.

Sa kasalukuyan, patuloy pang iniimbestigahan ang insidente upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga magulang.

Show comments