^

Metro

10-anyos, 1 pa nalunod sa pool

- Ni Ludy Bermudo at Mer Layson -

MANILA, Philippines - Hindi na naisalba ang buhay ng isang 10 anyos na batang babae sa pagamutan nang malunod sa isang swimming pool, sa Sampaloc Maynila, kahapon ng hapon.

Dead on arrival sa  Ospital ng Sampaloc ang biktimang si Ma. Christina Anne Petilo , ng no. 832 Blumentritt St., Sampaloc Maynila.

Iniimbestigahan din ng awtoridad ang may-ari ng Residencia De Manila na matatagpuan sa Santissima Trinidad St. Sampaloc, Maynila kung may dapat itong panagutan sa insidente.

Sa ulat ni SPO3 Alonzo Layugan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong ala 1:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng paupahang swimming pool ng nasabing lugar.

Ang biktima ay isa sa grupo na nagswimming sa Residencia De Manila na nagbayad umano ng P100 kada isa sa entrance fee.

Nang malaman umano ng may-ari ng pool ang insidente, sinubukan pa umanong bigyan ng first aid bago isinugod sa ospital subalit bigo din ang mga ito.

Samantala, napalitan ng lungkot ang dapat sana ay masayang outing  ng  magkakasama sa trabaho makaraang malunod  sa  swimming  pool at masawi ang isang mister na kanilang kasama sa Marikina  City, kamakalawa ng hapon.

Nabatid na dakong alas-3 ng hapon nang makitang nakadapa sa ilalim ng swimming pool ng Flamengo Garden Resort ang biktimang si Bonifacio Esteban, 47.

Agad namang sinagip ang biktima ng dalawang life guard ng resort at isinugod sa Saint Vincent Hospital pero idineklarang dead-on arrival na ito.

Ayon sa report, busog na busog umano ang biktima noong mag-dive ito sa 7 feet na lalim na swimming pool at tuluyang hindi na lumutang.

vuukle comment

ALONZO LAYUGAN

BLUMENTRITT ST.

BONIFACIO ESTEBAN

CHRISTINA ANNE PETILO

FLAMENGO GARDEN RESORT

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

RESIDENCIA DE MANILA

SAINT VINCENT HOSPITAL

SAMPALOC MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with