^

Metro

Karpintero niresbakan, tinuluyan ng kaaway

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang niresbakan upang tuluyang patayin kahapon ng madaling araw ang isang-39 anyos na karpintero na binaril ng dalawang hindi pa kilalang lalaki, ilang araw ang lumipas matapos itong makaligtas sa kamatayan nang pagsasaksakin sa tiyan at batok­ sa Quiapo, Maynila.

Isinugod pa sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC), ang biktimang si Danny Camsalim, nakatira sa squatter area sa Arlegui bridge sa Quiapo subalit agad ding nalagutan ng hininga dahil sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t- ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat ni SPO2 Milbert Balinggan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong ala- 1:00 ng madaling araw ng maganap ang in­sidente sa tulay ng Arlegui sa tapat ng Manuel L. Quezon University sa Arlegui St.

May teorya ang pulisya na binalikan ang biktima ng mga nakaaway nito. Ilang araw pa lamang ay sinaksak ang biktima pero nakaligtas sa tiyak na kamatayan. Posible umanong pakay talaga ng mga suspect ang buhay nito kaya isinagawa ang resbak at siniguro sa ika­lawang pagkakataon na ito ay matutuluyan. Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

vuukle comment

ARLEGUI

ARLEGUI ST.

DANNY CAMSALIM

ILANG

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MANUEL L

MILBERT BALINGGAN

QUEZON UNIVERSITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with