Fetus bumara sa toilet bowl

MANILA, Philippines - Nadiskubre ang isang 3 hanggang 5-buwang fetus na bumara­ sa toilet bowl sa ladies comfort room ng isang commercial building sa Ermita, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Inireport dakong alas-5:00 ng hapon ang pagka­ka­tuklas sa fetus ng isang Arnel Payra, maintenance personnel ng Merchant Building na matatagpuan sa 509 Mabini cor. P. Faura sa Ermita, Maynila.

Ayon kay Payra, tinawag siya ng janitress na si Mari­tess Montong dakong alas-10 ng umaga kamakalawa upang tulungan­ sa pag-aalis sa bara sa inidoro.

Maghapon nang sinundot at binomba ang bowl subalit hindi maremedyuhan kaya binakbak ito ni Payra kung saan natuklasang isang fetus ang hindi tuluyang lumulubog­ na dahilan­ nang pagbabara.

Show comments