^

Metro

3 pang suspect sa Ramgen slay, baka pumuslit din sa bansa - TF

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nababahala ngayon ang Task Force Ramgen ng Parañaque City Police na tulad ni Ramona Revilla ay makalabas din ng bansa ang tatlo pang suspek sa pagpatay kay Ramgen Revilla dahil sa hindi pa naiaakyat ang kaso sa korte.

Sinabi ni Parañaque City Police chief, Sr. Supt. Billy Beltran na nasa piskalya pa rin ang usapin sa kaso laban kina Glaiza Vista, nobyong si Norween dela Cruz at isang alyas Bryan kaya hindi pa makapagpalabas ng warrant of arrest laban sa mga ito.

Dahil sa wala pang pormal na kaso, wala pang nailalabas na hold departure order (HDO) ang Bureau of Immigration laban sa tatlong suspek­.

Ito rin ang ginawang dahilan ni Ramona, may palayaw na Mara, nang lumabas ito ng bansa patungong Hong Kong at sina­sabing nasa bansang Turkey na ngayon.

Sinabi ni Beltran na tulad ni Ramona, may kakayahan ang tatlong suspek na makalabas ng bansa dahil sa may pera rin ang mga ito.

vuukle comment

BILLY BELTRAN

BUREAU OF IMMIGRATION

CITY POLICE

GLAIZA VISTA

HONG KONG

RAMGEN REVILLA

RAMONA

RAMONA REVILLA

SINABI

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with