^

Metro

Mister nagbaril sa sarili

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Dead-on-arrival sa ospital ang isang lalaki matapos na magpakamatay sa pama­magitan ng pagbaril sa sarili dahil sa sobrang depresyon sa lungsod Quezon, kama­kalawa.

Si Nemesio Sarmiento, 57, ay nasawi nang isugod ng kanyang mga kaanak sa National Kidney Institute matapos na magtamo ng isang tama ng bala sa dibdib.

Ayon kay PO1 Alvin Quisimbing ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District, nangyari ang in­sidente sa bahay na biktima na matatagpuan sa Saint Charber Subd. Banlat St. Brgy Tandang Sora sa lungsod, ganap na alas-7:00 ng gabi.

Ayon kay Edna, misis ng nasawi nasa loob siya ng bahay nang marinig niya ang isang putok ng baril mula sa kuwarto ng mister.

Agad na tinungo ni Edna ang kuwarto kung saan tumambad sa kanya ang duguang katawan ng asawa habang nakahandusay sa lapag. Mabilis na naitakbo sa pagamutan ang biktima ngunit binawian din ito ng buhay.

BInanggit pa ni Edna na sampung taon na umanong sumasailalim ng dialysis ang asawa at marahil nawalan na ito ng pagasa na gumaling kung kaya’t pinili na lamang na tapusin ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili.

vuukle comment

ALVIN QUISIMBING

AYON

BANLAT ST. BRGY TANDANG SORA

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

EDNA

MABILIS

NATIONAL KIDNEY INSTITUTE

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SAINT CHARBER SUBD

SI NEMESIO SARMIENTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with