^

Metro

EDSA luluwag dahil sa kinanselang mga prangkisa

Nina - Angie dela Cruz, Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Inaasahan ng Metropolitan Manila Development Au­thority (MMDA) na bahagyang luluwag ang kahabaan ng EDSA makaraang suspendihin ng Land Transportation Fran­chising and Regulatory Board (LTFB) ang prangkisa ng nasa 872 bus units.

Sinabi ni Chairman Francis Tolentino na malaking tulong ito sa pagpapabilis ng biyahe sa EDSA ngunit nangangamba naman siya na baka hindi naman matugunan ng ibang mga bus ang pagdami ng pasahero sa kalsada ngayong papalapit ang Pasko.

Naghahanda na rin umano ang kanilang mga traffic en­forcers sa panghuhuli sa mga naturang bus na kasama sa listahan na sinuspinde ng LTFRB ang prangkisa dahil sa paglahok sa naganap na tigil-pasada kamakailan.

Kabilang dito ang Philippine Corinthian Liner na may 129 na bus at pag-aari ng singer na si Claire dela Fuente at Jell Transport na may 127 units.

Suspendido rin ng anim na buwan ang mga bus ng mga kompanyang Admiral Transport, Angelito Chang Transport, Don Mariano Transit, Irene Alejandro Arabia Boy Express, Jacinto Torres, Luzon Bus Incorporated, Mafel Transit, Manrose Liner, Margarito Peñalosa, Nova Auto Bus, Lippad Bus, Panda Transit Express, Roval Transit Corporation, Vil-5000 at Voyager Express Liner.

Sinabi ni Tolentino na kailangang makapagpakita ang driver ng bus na kabilang sa listahan ng sinuspinde ng kaukulang dokumento na may nakabinbin silang apela sa Department of Transportation and Communications (DOTC) upang makaligtas sa pagkahuli. Hindi umano maaari na basta sabihin lang ng driver na may apela na ang kanilang kumpanya dahil sa kailangan nila ng matibay na pruweba tulad ng mga dokumento upang paniwalaan ang mga ito.

vuukle comment

ADMIRAL TRANSPORT

ANGELITO CHANG TRANSPORT

BUS

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

DON MARIANO TRANSIT

IRENE ALEJANDRO ARABIA BOY EXPRESS

JACINTO TORRES

JELL TRANSPORT

LAND TRANSPORTATION FRAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with