^

Metro

1 bulagta sa bigong holdap

-

MANILA, Philippines - Bulagta sa kalye nang barilin ng isang sekyu ng banko ang isa sa riding-in-tandem na nagtangkang mangholdap sa isa nilang depositor sa Malate, Maynila, kahapon ng umaga. Humarurot papatakas ang isa pang suspect habang kinu­kuyog din ng taumbayan ang nasawi na inilarawan sa edad 30-35 anyos, 5’ ang taas, naka­­suot ng maong na pants at t-shirt na puti at armado ng baril. Iniimbestigahan naman ng pulisya si Joefel Olaguer, 30, nakatalaga sa Allied Bank sa naturang lugar.

Ayon sa ulat, dakong alas-9:45 ng umaga nang maganap ang nasabing insidente sa panulukan ng San Bartolome at Quirino Ave., Singalong, Malate. Papasok pa lamang umano ng banko ang di pinangalanang kliyente nito nang holdapin ng riding-in-tandem subalit ma­bilis na napuna ni Olaguer ang panghoholdap hanggang sa makipagputukan umano ang mga suspect. Nahulog sa motorsiklo ang suspect na binaril ni Olaguer habang naka-angkas at tumulong din ang mga tambay sa pagkuyog dito.  Ludy Bermudo

vuukle comment

ALLIED BANK

AYON

BULAGTA

HUMARUROT

INIIMBESTIGAHAN

JOEFEL OLAGUER

LUDY BERMUDO

OLAGUER

QUIRINO AVE

SAN BARTOLOME

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with